Basta KOOL FM, Iba gid!!

Miyerkules, Mayo 13, 2015

41 Kaso ng STI, naitala ng RHU Kabacan by: Rhoderick Beñez


Sa datos na nakalap ng DXVL News mula kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon na karamihan sa mga naitalang may sakit ay ang mga babaeng edad 21-30 anyos.


25 kaso dito ay ang syphilis habang 16 na kaso naman nito ay ang Hepatitis B.

Sa North Cotabato, kabilang sa mga lugar na naitala ang kaso ay ang Carmen, Kabacan, Matalam, Kidaapwan City at Pikit.

Ang bayan ng Pikit ay nakapagtala ng 12 kaso na pinakamataas.

Habang may naiulat din sa bayan ng Pagagawan sa lalawigan ng Maguindanao.


Payo naman ng RHU Kabacan sa mga may nabanggit na sakit na magpatingin sa kanila ng regular.

Sa datos na nakalap ng DXVL News mula kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon na karamihan sa mga naitalang may sakit ay ang mga babaeng edad 21-30 anyos.


25 kaso dito ay ang syphilis habang 16 na kaso naman nito ay ang Hepatitis B.

Sa North Cotabato, kabilang sa mga lugar na naitala ang kaso ay ang Carmen, Kabacan, Matalam, Kidaapwan City at Pikit.

Ang bayan ng Pikit ay nakapagtala ng 12 kaso na pinakamataas.

Habang may naiulat din sa bayan ng Pagagawan sa lalawigan ng Maguindanao.


Payo naman ng RHU Kabacan sa mga may nabanggit na sakit na magpatingin sa kanila ng regular.

Aboitiz Power Planung magpatayo ng Geothermal Plant sa North Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ May 13, 2015) ---Patuloy ngayon ang ginagawang exploration ng Aboitiz Power sa bayan ng Magpet, North Cotabato at sa hangganan ng Talomo, Davao City upang alamin kung ang nasabing lugar ay may potensiyal sa geothermal energy.

Ito ayon kay Aboitiz Power Corp. Corporate Branding and Communication Manager Wilfredo Rodolfo sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan.


Aniya, noon pang 2013 sila nabigyan ng Department of Energy ng service contract para alamin kung ang lugar ay may mapag-kukunang commercial value.

Giit pa ng opisyal na mahabang proseso pa ang gagawin dito at kailangan pa nila ng pahintulot mula naman sa LGU, Provincial Government at sa mga IPs.

“Sakop ng ginagawang exploration area naming ay ang 10,000 hanggang 11,000 hectares na lupain sa Magpet hanggang sa Talomo, Davao city”, wika pa ni Rodolfo sa DXVL News.

Bukod dito, may isang area pa sila na Davao del Sur kungsaan ay kumukuha na sila ng permit mula naman sa mga IP communities.

Hindi naman ibinanggit ng opisyal kung gaanu ka-laki na planta ang kanilang ipapatayo hangga’t hindi pa matatapos ang kanilang exploration.

57 IB pinasinungalingan ang mga alegasyon na gumagamit sila ng menor de edad na guide sa ginagawa nilang operasyon

(Makilala, North Cotabato/ May 13, 2015) ---Iginiit ni Lt. Col. Jose Rustia, Commanding Officer ng 57 Infantry Battalion na hindi totoo ang mga aligasyon sa kanila. 

Sa ginanap na press conference sa headquarters ng 57IB sa Makilala, Cotabato na dinaluhan ng mga media personnel, ipinaliwanag ni Lt. Col. Rustia na gawa-gawa lamang ang mga alegasyon na gumamit umano ang kanilang tropa ng menor de edad na bata para gawing
guide sa nangyaring operation at IED noong Mayo a sais sa Brgy. Kabalantian, Arakan, Cotabato na ikinamatay nina Pfc Alfredo Callano, Pfc Mohalidin Manampan, Pfc Robert Quilangit at ikinasugat ni Cpl. Ariel Blancia.

Dagdag pa ng opisyal hindi nila kailangangumamit ng menor de edad bilang guide dahil gumagamit sila ng mapa at compass sa kanilang operation. 

Ipinaliwanag din ni Lt. Col. Rustia na noong Abril sais ay may mga NPA na sumuko at nagbalik gobyerno, isa sa miyembro na sumuko ay menor de edad kaya't malinaw umano na ang kumakaliwang grupo ang gumagamit ng menor de edad at hindi ang 57IB. 

Pangalawa sa pinasinungalingan ng opisyal ay ang human rights violation na inirereklamo sa tropa dahil gumamit umano sila ng human shield at may pinaputukang civilian noong mangyari ang encounter. 

Aniya, hindi totoo ang aligasyon dahil walang tao sa encounter site at 1 kilometro ang layo nito mula sa palayan. 

Wala rin umanong civilian na nasugatan ng mangyari ang encounter.

Inihayag din ng opisyal na paakyat sa bundok ang tropa nang pasabugan ng IED at wala umanong tao sa IED site dahil ang mga miyembro ng NPA ay nagtatago sa mga maliliit na burol na malapit sa IED site. 

Malinaw umano na ang paggamit ng IED ng NPA ay human rights violation ng International law and armed conflict.  

Malungkot din na ipinahayag ng opisyal na mga buntis ang mga misis ng 2 sundalong nasawi.
16 hours ago

Pangatlo sa pinasinungalingan ng opisyal ay ang alegasyon na may tinalian umano silang tao pagkatapos ng encounter at tinorture. Aniya, binabaliktad umano sila dahil ang katotohanan ay may hinuli at tinaliang tao sa Brgy.Kabalantian ang NPA noong Mayo a dos. 

May kasalanan umano sa NPA ang hinuling tao kung kaya't ibinilad sa init ng araw at sinentinsyahan ng NPA ng 1 taon na jindi maaaring lumabas ng Brgy.Kabalantian.

Ipinaliwanag ng opisyal na taktika lamang umano ng kumakaliwang grupo ang mga alegasyon upang mahati ang atensyon ng 57IB sa mga ginagawang programa tulad na lamang ng katatapos na PDOP program. Zone of Peace. Joint Memorandum circular at CLIP, programa para sa mga NPA na gustong magbalik gobyerno.

Philippine Statistics Office, nagngailangan ng staff para sa gagawing 2015 Census of Population (POPCEN) sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ May 13, 2015) ---Nangangalailangan ngayon ng mga aplikante ang PSA na Field Personnels para sa gagawing Census of Population o POPSEN 2015 sa darating na buwan ng Agusto ngayong taon.

Batay sa kalatas na ipinalabas ng PSA, nangangailan sila ng Cencus Area Supervisors, Team Supervisors at mga Enumerator na magtratrabaho bilang Service Contractual.


Kabilang sa mga kwalipikasyon ay mga college graduate at nakapagtapos man lang ng 2nd year sa kolehiyo at hindi lalagpas sa 50 anyos ang edad.

Sa karagdagang impormasyon, maari lamang pong tumungo sa Office of the Municipal Registrar, LGU Kabacan.